Pastor ACQ, nananawagang magkaisa ang mga Pilipino upang wakasan na ang CTGs

Pastor ACQ, nananawagang magkaisa ang mga Pilipino upang wakasan na ang CTGs

KASUNOD ng paglalabas ng 2023 Global Terrorism Index ng Institute for Economics and Peace (IEP), kung saan nasa ika-15 na puwesto ang New People’s Army (NPA) sa deadliest terrorist group sa buong mundo, nanawagan si Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ ng pagkakaisa upang tapusin na ang terorismo ng nasabing grupo.

 “So, ano pa ba ang gusto nating malaman patungkol dito? Ito na nga eh, kaya tayong mga Pilipino, magkaisa na para mawala na ang salot na ito dito sa mundong ito,” pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy, The Kingdom of Jesus Christ.

Paliwanag pa ng butihing Pastor na dahil halos lahat ng sektor ng lipunan ay napasok na ng teroristang komunistang grupong ito, ang Armed Forces of the Philippines (AFP) lang ang kumakalaban dito.

“Tingnan mo, napasok na nilang lahat. Lahat pinakikialaman ng NPA na ‘to—CPP-NPA-NDF. The CPP-NPA group, they meddle in all of our governmental, religious, and social affairs of the country. They are meddlers, they even meddle with the Kingdom. Only they were caught and only they were discovered. That’s why now, they cannot come in. Hindi sila makapasok na dito.”54 years, walang nagawa ang ating pamahalaan. Mabuti at nandyan na lang ang ating armed forces para siyang maging pader laban sa mga teroristang grupo ito, kundi ay talagang panahon pa ng Plaza Miranda nanalo na ang mga ito eh. Di ba?” dagdag ni Pastor Apollo.

Pastor ACQ, may mensahe sa isang mambabatas na nagsusulong ng Human Rights Defenders Bill

Samantala, naglahad ng saloobin si Pastor Apollo tungkol sa isinusulong na Human Rights Defenders Bill ni Rep. Edcel Lagman.

 “Itong sponsored na bill ni Edcel Lagman, Rep. Edcel Lagman, Human Rights Defenders Protection Bill ba ‘to. ‘Pag binasa mo, ang pinoprotektahan   niyan ‘yung mga makakaliwa, ‘yung mga gumagawa ng kawalang hiyaan sa ating bansa.” 

“Unang-una, Rep. Edcel, banggitin mo muna ang human rights ng Rano Massacre, ng Inopacan Massacre, marami pang massacre ginawa ninyo eh. Nadamay pa ‘yung ibang kongregasyon namin. Merong isang galing sa hanay ng NPA, naging ministro ng Kingdom, pinatay nang walang awa, pinakita pa sa lahat. Meron kaming administrator, binaril ang tatay niya sa loob ng kaniyang tindahan, nakita ng 11-year old, tumalsik ang dugo sa kaniyang mukha, pagkatapos pala nagkamali lang ang mga ulupong na ‘to. Tapos aawit-awit pa, ‘Napakasakit Kuya Eddie’. Tingnan ninyo kabulastugan ninyo. ‘Yan muna ang asikasuhin ninyong human rights,” dagdag ng butihing Pastor.

Inihalimbawa rin ng butihing Pastor ang karahasang ginawa ng mga aktibista sa University of the Philippines (UP) matapos na mapili ang bagong chancellor nito.

You try to impose yourself upon us as though you are gods upon us. Massacre people in their church, those are helpless, worshipping God in the church, innocent people, machine-gunnin ninyo dahil ayaw magbigay sa inyo? Ano kayong klase? Then you want to impose human rights on us and democracy? What is democracy there in the UP? 11 Board of Regents, 7 voted for the chancellor today, and 4 didn’t vote for your manok there. Tapos gigibain ninyo ‘yung pintuan ng Board of Regents ng UP? Nanggulo kayo? Ganyan ang gawa ng CPP-NPA-NDF. Mahiya kayo! Taong bayan, gumising na tayo,” pagtatapos ni Pastor Apollo.

Follow SMNI NEWS in Twitter