Pastor ACQ, naniniwalang ‘Divine intervention’ ang pagdeklara ni dating Pangulong Marcos Sr. ng Martial Law sa bansa

Pastor ACQ, naniniwalang ‘Divine intervention’ ang pagdeklara ni dating Pangulong Marcos Sr. ng Martial Law sa bansa

NANINIWALA si Pastor Apollo C. Quiboloy na ang pagdeklara ng Martial Law sa bansa ang sumalba sa Pilipinas mula sa kamay ng mga komunista.

“Sa matagal na panahon Chairman, binigyan po ng masamang imahe ‘yung Sept 21. Ang narinig lang natin ay isang narrative. Alam niyo po Chairman sa mundong ito dalawa dapat ang narrative na naririnig natin. Kung narinig na po natin ang isang narrative okay pero huwag naman natin i-supress ‘yung isang narrative, ‘yung isang narrative po Ang Martial Law ay nakapagdulot din ng pagliligtas sa ating bansa na tayo po ay maging communist country at marami din tayong kasundaluan ang nagbigay po ng buhay para maligtas po ang ating bayan na tayo ay makubkob ng mga komunista kasi ‘nung panahon na ‘yan Chairman ay malakas na malakas ang mga komunista sa Southeast Asia.”

“Katulad po ng nangyari sa Korea, katulad din ng nangyari sa Vietnam kung natatandaan ninyo sa Indonesia napakalakas din ng mga komunista diyan, nagkataon lang na nagkaroon sila ng matindi na presidente tinapos niya agad yung problema ‘dun at ganun din sa Malaysia.”

“Kaya itong pagtatag ng Martial Law hindi naman po natin sinasabi na pinasisinungalingan natin ‘yung sinasabi naman ‘nung isang narrative, sige nandiyan ang narrative ninyo pero may isang narrative huwag naman nating solohin lang, kailangan kung kinikilala ninyo ‘yung mga bayani ninyo diyan meron din isang bayani dito at dapat din natin sila kilalanin sapagkat kung hindi dahil sa kanila ay hindi natin mae-enjoy lahat ito ini-enjoy natin ang kalayaan na ito dahil sa sakripisyo ng mga sundalo at ‘yun po,” pahayag ni Sen. Robinhood Padilla, Republic of the Philippines.

Ito ang naging pahayag ni Sen. Robinhood Padilla sa committee hearing sa Senado kasabay ng panukala nitong ideklara ang September 21 ng bawat taon, na siya ring araw ng paggunita ng Martial Law sa bansa ay gawin din araw para sa tinatawag na ‘unsung heroes’.

Sa programang Give Us This Day nitong Miyerkules ay nagpahayag si Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ ng suporta sa panukala ni Sen Padilla.

Binigyang-diin ni Pastor Apollo na kung hindi dahil sa pagdeklara ng Martial Law sa bansa ay baka matulad ang Pilipinas sa bansang Cambodia kung naging killing field ito ng milyun-milyong Khmer People na nasawi sa rehime ng komunistang si Polpot.

“Again, Senator Padilla was right when he said that I’ve been saying that for a long time even in my preaching, even in my Give Us This Day Program, or whatever program I have, I’ve said if the former president Late President Ferdinand Marcos Sr. did not declare Martial Law, we would have been a communist country now under the brutal leadership of Joma Sison, and we would have been like Cambodia right now when there was the killing field,” ayon pa sa butihing Pastor.

Para kay Pastor Apollo, ang pagdeklara ng Martial Law sa Pilipinas ay maituturing na divine intervention upang maprotektahan ang mga Pilipino sa kinasadlakan ng mga bansang napailalim sa komunistang rehime.

“We were averted from having that kind of an experience where Cambodia’s Polpot killed over a million or millions of people in Cambodia, you know? You know the killing fields? You know that. That is what would happen to us if martial law was not declared. So martial law was declared as an act of the president and it is a divine intervention, that we still now enjoy our freedom of worship and other freedoms that we would have lost if martial law during the time of president Marcos Sr. was not declared. So I’ve been saying that all along, and Sen. Padilla was trying to say that also,” ani Pastor Apollo.

Pagdeklara sa September 21 bilang araw ng ‘unsung heroes’, suportado ni Pastor ACQ

Nagpahayag naman ng suporta si Pastor Apollo sa panukala ni Sen. Padilla na ideklara ang araw ng Setyembre 21 na hindi lamang araw para gunitain ang Martial Law kundi upang bigyang kilala ang mga tinaguriang unsung heroes.

“So, Padilla said “We have soldiers who gave their lives to save our nation from being surrounded by communist. We will not enjoy all of these, if not for them. We are enjoying this freedom because of the sacrifices made by our soldiers.” True, correct, even until now, even after there is the height  of the power of this Maois Group of the CPP-NPA-NDF, it was the only wall of defense that we have is the Armed Forces of the Philippines and they stood their ground for us that’s why we still have our freedom right now. That’s why I love the soldiers. I love the Armed Forces of the Philippines,” ayon pa kay Pastor Apollo.

Follow SMNI NEWS on Twitter