Pastor Apollo C. Quiboloy, dalangin ang masayang pribadong buhay ni dating Pangulong Duterte

Pastor Apollo C. Quiboloy, dalangin ang masayang pribadong buhay ni dating Pangulong Duterte

MASAYANG binati ni Rev. Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang pagbabalik sa Davao City kahapon kasunod ng opisyal na pagbaba nito sa pwesto.

“Welcome back our most beloved President Rodrigo Roa Duterte to your beloved hometown, Davao City,” ani Pastor Apollo.

Ani Pastor Apollo, tinapos ni dating Pangulong Duterte nang maayos ang kanyang administrasyon.

Kaugnay dito, hiniling din ng butihing Pastor na magkaroon ng masaya at mahabang buhay pa ang dating Pangulo sa kanyang pagbabalik sa pribadong buhay.

“We are so happy and glad that the President ended his term, President PRRD ended his term well and healthy; came back to his hometown in Davao and we welcome him back. And we wish him a happy, healthy long life as a private citizen, of course, and what he will continue to inspire by what he has already done and that will be continuous inspiration in the future ahead,” ang masayang pagbati ni Pastor Apollo.

Binigyang-diin naman muli ni Pastor Apollo ang pagiging “Modern Day Hero” ni dating Pangulong Duterte dahil siya lamang ang nakapagpaunlad sa bansa bukod sa dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. na nagsagawa ng blueprint ng pag-unlad ng Pilipinas.

“We were a trouble country and here comes PRRD and gave us the highest hope and he did not fail us and all the 6 years that he was our President, we’ve seen of a Filipino leader we have long for in our lifetime,” ayon pa sa butihing Pastor.

 

SMNI, mananatiling bukas kay dating PRRD para sa kanyang adbokasiya para sa Pilipino.

Samantala, umaasa ang butihing Pastor na makasama muli si dating Pangulong Duterte sa isang one-on-one interview upang mapag-usapan ang ilan sa mga naisagawa nito sa bansa at balikan ang mga nangyari sa loob ng anim na taon niyang panunungkulan.

Ani Pastor, mananatiling bukas ang SMNI kay dating Pangulong Duterte kahit wala na ito sa pwesto.

 “As I have promised SMNI will be his sounding board although he is now a private citizen,” ayon pa kay Pastor Apollo.

Follow SMNI NEWS in Twitter