SA ginanap na awarding ceremony para sa mga kabataang lumahok sa basketball training ng Pinoy Madrid Ballers, isang taos-pusong pasasalamat ang ipinaabot kay Pastor Apollo C. Quiboloy, na siyang founder ng Keepers Club International.
Ang Keepers Club International ay nakatuon sa youth development at aktibong nakikipagtulungan sa iba’t ibang institusyong pang-edukasyon sa Pilipinas upang mailayo ang mga kabataan sa recruitment ng CPP-NPA-NDF.
“Pastor, sama-sama po tayo hanggang sa huli, huwag kayong mag-aalala… susuportahan po namin kayo all around,” ayon kay Leslie Feliciano Organizer, Pinoy Madrid Ballers.
Sa panayam ng SMNI News sa Spain, binigyang-diin ni Feliciano ang kahalagahan ng youth empowerment sa Filipino community sa Europa.
Dahil dito, patuloy nilang isinusulong ang mga ganitong programa para mailayo ang kabataan sa masasamang bisyo at maling impluwensya.
Mula pa noong 2017, kaagapay na ng Pinoy Madrid Ballers ang Keepers Club International ni Pastor Quiboloy sa parehong adhikain.
Samantala, tuloy-tuloy ang mga basketball leagues ng Pinoy Madrid Ballers at iba pang Filipino Ball Clubs sa Spain, katuwang ang Keepers Club International.
Baby Donna Rosales, Vice President, FIBA Madrid
“Ang FIBA Madrid po ay isang Women’s Basketball Association kaya iniimbitahan ko po ang lahat ng taga-Madrid sa opening namin sa March 22 po sa Sahagun,’’ saad ni Baby Donna Rosales, Vice President, FIBA Madrid
“Alam niyo Pastor, nagpapasalamat po ako sa mga kapatid natin dito, katulad ng Keepers International po. Since 2017 po, kasa-kasama na po natin yan ha,” wika ni Leslie Feliciano, Organizer Pinoy Madrid Ballers