NANAWAGAN si Pastor Apollo C. Quiboloy na i-outlaw ang hazing upang mahinto na ang mga nangyayaring karahasan dahil dito.
“I-outlaw ang hazing,” saad ni Pastor Apollo C. Quiboloy, The Kingdom of Jesus Christ.
Ito ang mungkahi ni Pastor Apollo kasunod ng mga naitalang kaso ng hazing sa bansa.
Matatandaan na nitong Pebrero ay isang estudyante ng Adamson University na si John Matthew Salilig ang nasawi dahil sa hazing.
Kung hindi man mabuwag ang pagbuo ng mga grupo tulad ng fraternity ay pinayuhan ni Pastor Apollo ang publiko na mag-ingat sa pagsali rito.
“Ang dapat imulat sa mga sumasali sa fraternity na yan, ingatan nila yung sarili nila. Kailangan hindi sila sasali kung may hazing,” ayon sa butihing Pastor.
Hazing, inihahalintulad sa shabu ni Pastor ACQ
Kaugnay nito, inihalintulad naman ng butihing Pastor ang hazing sa shabu.
“Parang shabu yan, habang mayroong demand, mayroong nagsusupply. Habang may nag-aaffiliate, merong gagawin na ganyan na this is the way for you to become member of our fraternity. Merong hazing,” paliwanag ni Pastor Apollo.
Binigyan-diin ng butihing Pastor na patuloy na dadami ang mamamatay kung hindi ma-outlaw ang hazing kaya mainam na mag-demand ang lahat ng sasali sa fraternity na tanggalin ang hazing.
“Pag sumali kayo ng fraternity, wag kayong sasali, hindi ba kayo mabubuhay nang walang fraternity? Hindi ba kayo magiging tunay na lalaki kung di kayo miyembro ng fraternity?” saad pa ni Pastor Apollo.
Samantala, nanawagan ang Senado na pagtibayin ang pagpapatupad ng Anti-Hazing Law.
Isinusulong din ni Sen. Raffy Tulfo ang reclusion perpetua o habambuhay na pagkakakulong bilang parusa sa sinumang sangkot sa hazing.
Habang sinabi rin ni Sen. Francis Tolentino na kinokonsidera din nila ang pagsuspinde sa accreditation ng paaralan na pinapayagan ang hazing.