PINURI ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang unang buwan ng Marcos administration sa laban nito kontra iligal na droga.
“Wow, that’s really a praiseworthy. This is what we’re talking about. Kahit kahapon ano, ‘nung sinabi ko mag ingat-ingat itong mga durugista, itong mga druglords, drug pushers dahil mabait ang ating Pangulong Bongbong Marcos hindi ibig sabihin na mahina siya,” pahayag ni Pastor Apollo.
“Kudos to the accomplishment of the Marcos Administration’s first month of seizing 904.85-M of these illegal drugs,” dagdag ng butihing Pastor.
Sa unang buwan ng administrasyon ay nakakumpiska na ito ng nasa mahigit P904-M street value ng iligal na droga.
Bukod dito, nakapagsagawa na rin ang administrasyon ng mahigit apat na libong operasyon kung saan mahigit 5,000 ang naaresto habang mahigit 100 naman ang sumuko.
“Tingnan mo ang nangyaring ito 4,650 law enforcement operations across the country, 5,591 suspects arrested, 164 others surrendered July 1-31. Kudos, patuloy tayo dito kasi ito yung source ng malalaking heinous crimes. Kaya ‘wag kayong mang-aabuso nang dahil sa kabaitan ng ating Pangulo na nakikita ninyo,” ayon pa kay Pastor Apollo.
Kaya naman muling nagpaalala si Pastor Apollo na ‘wag abusuhin ang kabaitan ng Pangulo.
“Akala nila ganito kalambot ang ating Pangulong Bongbong Marcos laban sa drogang ito. Alalahanin niyo mga durugista, hindi ang Pangulong Bongbong ang personal na pumupunta riyan. Pwede siyang mag-command, parehas itong uutusan lang tulad nitong PNP Chief Gen. Azurin ngayon matindi ito,” ayon kay Pastor Apollo.