KILALA si Pastor Apollo C. Quiboloy na matapang na naninindigan laban sa mga komunistang teroristang grupo.
Naniniwala ang butihing Pastor na ang anti-insurgency task force ang susi upang matuldukan na ito.
Sa paggunita ng Bonifacio Day kahapon, may mensahe si Pastor Apollo tungkol sa paniniil ng ilang nasa pamahalaan sa pagkaltas sa budget ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Ani Pastor Apollo, hindi kasi dumaan ng hirap ang mga mambabatas kaya nila nagawa ito.
Kaya ipinanalangin ni Pastor Apollo na nawa’y maliwanagan ang mga ito.
Sa kabilang banda, hindi rin napigilan ni Pastor Apollo na pagsabihan ang mga korap na opisyal ng gobyerno.
Sa kabila nito ay kahit na nahaluan ng tiwaling kongresista ay mas marami pa rin aniyang mabubuting mambabatas na namumuno.
Samantala, nang tanungin kung hanggang saan ang kanyang katapatan sa Pilipinas, tugon ni Pastor Apollo:
“May hangganan ba ang loyalty ko sa bayan? Walang hangganan ang loyalty ko sa Pilipinas. My beloved Philippines is my only country in the world where I was born. My love for this country will be endless. My loyalty for my country is endless,” ayon kay Pastor Apollo.