Pastor Apollo for Senator Movement, umarangkada sa Madrid, Spain

Pastor Apollo for Senator Movement, umarangkada sa Madrid, Spain

UMARANGKADA na sa Madrid, Spain ang Pastor Apollo C. Quiboloy for Senator Movement.

Ang pagkilos ay binuo ng volunteer groups, OFWS at Filipino Community sa Espanya.

Ayon sa mga dumalo, malaking factor ang Exhibit A o ang mga nagawa ng Spiritual Leader ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) para makuha ang kanilang suporta.

Ang KOJC ay isa sa mga fastest-growing religious organizations sa buong mundo dala ang zero corruption policy ni Pastor Quiboloy.

“Ito pong si Pastor, may resibo, may napatunayan na. Sa KOJC pa lang, kung nagawa niya sa KOJC magagawa niya sa buong Pilipinas,” saad ng isa sa mga dumalo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter