“SAGUTIN mo ang issue,” iyan ang hamon ni Pastor Apollo C. Quiboloy kay Senator Manny Pacquiao.
Kalmadong-kalmado at may matamis na ngiti si Pastor Apollo C. Quiboloy na sinagot ang bantang kakasuhan siya ni Senador Manny Paquiao dahil sa pagpapakalat ng fake news.
Sa kanyang live program sa Give US This Day ay sinabi ni Pastor Apollo na nililihis lamang ni Paquiao ang issue na may posibleng kurapsyon na nangyari sa pagpapatayo ng isang napabayaang Sports Complex sa Saranggani.
Ipinunto ni Pastor Apollo na nagtatanong lamang siya kung totoo nga bang may nangyaring kurapsyon sa nasabing proyekto ng pamahalaan.
“Senator Manny, naiintindihan ko naman na masakit yung sunud sunod na pagkatalo mo… sa PDP Laban, tapos kay Ugas. Ang problema lang eh public official ka at ako ay private citizen. Yung mga tanong ko sa iyo, of public interest na dapat mong sagutin bilang isang duly elected public official. Ang problema nga lang, yung mga sagot mo sa akin, personal, lumilihis ka sa issue,’’ayon sa butihing Pastor.
Ang sagot ni Pastor Apollo ay kasunod ng anunsyo ni Paquiao na magsasampa siya ng kaso sa nauna dahil sa pagpapakalat ng maling impormasyon sa telebisyon.
Matatandaan na sa live television ay pinasasagot ni Pastor Apollo si Senador Paquiao kaugnay sa issue ng kurapsyon sa Saranggani kung saan ipinakita pa ni Pastor Apollo ang video ng isang nakatiwangwang na Sports Complex na pinaniniwalaang may budget ng 3.5 bilyong piso.
Kaugnay nito, nilinaw ni Pastor Apollo na hindi paninira ang kanyang ginawa kay Senador Paquiao at meron aniyang siyang sapat na ebidensya para patunayan ito.
Sa kabila nito ay sinabi naman ni Pastor Apollo na nakahanda siyang harapin kung ano man ang isasampang kaso ni Senador Paquiao laban sa kanya.
‘’Marami naman akong ebidenysa na hindi paninira sa akin. Baka matalo ka na naman dun. Natalo ka sa PDP laban tapos kay Ugas tapos matatalo ka na naman sa akin. May abogado ka, may abogado ako, eh doon sila ang maglalaban sa korte,’’ayon kay Pastor Apollo.