Pastor Apollo sa banta na demanda ni Pacquiao: ‘Pagkain ko yan’

Pastor Apollo sa banta na demanda ni Pacquiao: ‘Pagkain ko yan’

TINIYAK ni Pastor Apollo Quiboloy na magiging patas ito sa alok na debate laban kay Senator Manny Pacquiao kasabay ang paalala nito sa senador na wala pa itong kaso o demanda na hindi naipapanalo.

Direktang inamin ni Pastor Apollo Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ sa publiko sa programa nitong Powerline na halos araw araw nitong nagiging pagkain ang ilang demanda o ihinahablang kaso laban sa kanya sa loob ng 35 taon.

Bagay aniya na hindi nito ikinatinag ang banta ni Senator Manny Pacquiao na balak itong magsampa ng kaso laban kay Pastor Apollo.

Matatandaan sa isang panayam sa senador, desidido aniya ito na maghabla ng kaso laban kay Pastor Apollo ngunit hindi pa matiyak kung anong klaseng kaso ang ihahain nito.

Kaugnay nito, para agad na malinawan ang publiko sa mga isyu na inalmahan ng senador, isang debate ang inalok ni Pastor Apollo laban sa mambabatas.

Sa katunayan, para maging komportable  kay Senator Manny Pacquiao ang alok na debate, una nang nagbigay si Pastor Apollo ng partidang katanungan upang mapaghandaan nito ang kanyang mga isasagot.

Isa na dito ang isyu ng katiwalian matapos sabihin ng senador na hindi ito sinungaling at tiwali.

Kasama din pag-uusapan ng dalawa ang akusasyon ni Pacquiao na hindi tunay na pastor si Pastor Apollo.

Para kay Pastor Apollo, hindi siya dapat na pagdudadahan sa pagiging pastor nito dahil wala itong sinakyang propesyon maliban sa paglilingkod sa Diyos.

Maliban sa mga nabanggit, pag-uusapan din ang pagiging half Spanish sa dugo nito.

At panghuli ay ang mapatunayan ng senador na mali ang paghingi ng paliwanag ni Pastor Apollo kaugnay sa nakatiwangwang na pasilidad sa Saranggani Province na ginastusan ng bilyun bilyong piso ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagagamit at tuluyan nang inabandona.

Paalala ni Pastor Apollo sa senador, magpakatotoo na lang ito bilang isang public official.

Nauna nang inaasahan ng taumbayan ang pagpapatotoo ng senador sa pag-iimbestiga sa mga sinasabi nitong mga sangkot sa korupsiyon sa bansa.

Pero hanggang ngayon ay wala pa itong binabanggit na napasimulang pagtalakay sa mga maanomalyang ahensiya sa bansa.

BASAHIN: Senator Pacquiao, tinanong sa hindi pagkondena sa CPP-NPA-NDF

SMNI NEWS