Pastor Apollo, sang-ayon sa AFP na huwag maging kampante sa posibleng recruitment ng Hamas militant sa bansa

Pastor Apollo, sang-ayon sa AFP na huwag maging kampante sa posibleng recruitment ng Hamas militant sa bansa

KASUNOD sa nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Israel at Hamas militant, pinabulaanan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang posibleng pagpasok ng impluwensiya ng mga militanteng ito sa bansa partikular na sa Muslim communities sa Pilipinas.

Matapos na itanggi ni AFP chief of staff General Romeo Brawner, Jr. na mayroong namumuong kondisyon at recruitment sa Muslim community ang Hamas militant sa Pilipinas, sumang-ayon dito si Pastor Apollo C. Quiboloy sa paniniguro ng AFP na wala silang sinasayang na oras para bantayan ang mga kahina-hinalang kilos ng sinuman lalo na sa mga tukoy na lugar sa bansa na may kasaysayan ng terorismo gaya ng ISIS o pagpasok ng mga radikal na grupo gaya ng Hamas.

Sa kaniyang bagong episode ng Spotlight sa SMNI News, pinuri ni Pastor Apollo ang pagiging handa nito sa para sa kaligtasan ng bansa.

Sa ginawang panayam sa heneral, sinabi nito na sa kaniyang pagbisita sa Marawi City nitong nakaraang linggo lamang, kinumpirma niya na normal naman ang Muslim community sa buong lugar at maging sa buong rehiyon ng Mindanao at kagaya ng AFP, personal na nakiusap si Pastor Apollo sa sinumang magtatangka na makipagtulungan sa ilang radical groups dito sa Pilipinas.

Ang mas mabuting gawin ng mga Pilipino ani Pastor Apollo, ang ipagdasal ang kapayapaan sa bansang Israel at Palestine para na rin sa kapakanan ng bawat isa at sa buong mundo.

Follow SMNI NEWS on Twitter