SISIKAPIN ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na makakuha ng maraming medalya sa nalalapit na 32nd Southeast Asian Games.
Ayon kay PATAFA President Terry Capistrano, nais nilang malampasan ang 5 gintong medalya na kanilang nasungkit sa 31st SEA Games na ginanap noong May 12 – 23, 2022.
Tiniyak naman ni Capistrano na kahit ninanais nilang malampasan ang naging record nila noong 31st SEA Games, hindi niya ipi-pressure ang mga atleta.
Samantala, inamin na rin ng PATAFA na ang Vietnam at Thailand ang pinakamahirap nilang katunggali.