Payak man ang silid-aralan, matayog naman ang kanilang mga pangarap—OVP

Payak man ang silid-aralan, matayog naman ang kanilang mga pangarap—OVP

MALAYO man sa lungsod at mahirap mang mapuntahan, sinikap abutin ng Office of the Vice President Davao Satellite Office (OVP Davao SO) ang Kouyagan Elementary School sa Sitio Sumpong, Brgy. Banlag, Valencia City, Bukidnon.

Isa ito sa mga Last Mile Schools na nais maabutan ng PagbaBAGO bags ng tanggapan.

Kasama ang mga sundalo ng 48th IB, inakyat ng OVP Davao SO ang bulubunduking bahagi ng Bukidnon at doon, tumambad sa kanila ang payak na silid-aralan ng paaralan.

Gawa sa amakan at maninipis na kawayan, dito pinagsisikapan ng kanilang guro na maibahagi ang mga kinakailangan nilang malaman para maging pundasyon upang matuto ang mga kabataan.

Sa loob din ng apat na sulok ng silid, nabubuo ang mga pangarap ng mga mag-aaral.

Hangad ng OVP na sa pamamagitan ng 30 PagbaBAGo bags na may lamang school supplies at dental kits ay napasaya nila ang mga mag-aaral sa Grades 1 at 2.

Sana rin ay makatulong ito sa pagtupad ng kanilang mga nais sa buhay. Payak man ang kanilang silid aralan ngunit matayog naman ang kanilang mga pangarap.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble