OVP, nakatanggap ng 1SO-recertification

OVP, nakatanggap ng 1SO-recertification

INANUNSIYO ng Office of the Vice President (OVP) nitong Lunes Disyembre 18 na nakatanggap sila ng recertification mula sa International Organization for Standardization (ISO) Certification 9001:2015 na nagsasaad na ang sistema ng pamamahala nito ay pasado sa international standards.

Sa Facebook post, sinabi ng OVP na sumailalim sa audit sessions ang kanilang tanggapan nitong Disyembre 6, 2023 sa ISO 9001:2015 recertification.

Masaya naman itong ibinahagi ni Vice President Sara Duterte ang magandang balita sa kaniyang official Facebook page.

Naunang nasertipikahan ng ISO ang OVP noong 2017 at 2020 sa pagiging Quality Management System (QMS).

Maliban dito, sertipikado rin ng ISO sa kauna-unahang pagkakataon ang OVP Satellite Offices sa Davao at Panay at ang Negros Islands.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter