PBA, magbubukas ng Golden Anniversary sa Dubai at Bahrain

PBA, magbubukas ng Golden Anniversary sa Dubai at Bahrain

MAGIGING makulay at makasaysayan ang pagsisimula ng 50th anniversary ng Philippine Basketball Association (PBA) sa Oktubre, dahil isasagawa ang mga laro nito sa Dubai, United Arab Emirates (UAE), at Bahrain.

Ipinahayag ni PBA Commissioner Willie Marcial ang magandang balita sa mga tagahanga ng liga matapos ang kanyang pagbabalik mula sa isang maikling pagbisita sa dalawang bansa kamakailan.

Ani Marcial, may malaking populasyon ang UAE at Bahrain ng mga overseas Filipino workers (OFWs) kaya naman magiging espesyal talaga ang magiging karanasan ng mga PBA player, na tila magkakaroon ng “homecourt” feels.

Ayon sa kanya, isa sa mga opisyal na laro ay nakatakdang idaos sa Dubai sa Oktubre, at posibleng magkaroon din ng double-header sa Bahrain pagdating ng Disyembre.

Ang pagbisita ng PBA sa Dubai at Bahrain ay isang mahalagang bahagi ng kanilang paghahanda para sa kanilang anibersaryo at nagbibigay ng pagkakataon na mapalapit ang liga sa mga OFW at mga tagahanga sa buong mundo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble