BALIK-trabaho na ngayong Martes, Marso 26 sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos matapos na gumaling mula sa trangkaso.
Nakaranas ng flu-like symptoms ang First Couple noong nakaraang linggo kung saan inabisuhan sila na lilimitahan ang kanilang mga aktibidad para makapagpahinga at magpagaling.
Ngayong araw ay aasahan ang pagbabalik ng Pangulo sa kaniyang public duties kabilang na ang pangunguna sa sectoral meeting sa Malakanyang kaugnay sa pananalasa ng El Niño; pagtanggap sa congressional delegation ng Estados Unidos; at ang courtesy call ni Indian External Affairs Minister Subrahmanyam Jaishankar.