BIBISITA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa China sa January 2023.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), isa sa tatalakayin ang ugnayan ng Pilipinas at China sa susunod na 5 taon.
Sinabi ni DFA Asec. Nathaniel Imperial na mismong si Chinese President Xi Jinping ang nag-imbita kay Pangulong Marcos.
Ito ang kauna-unahang pagbisita ni Pangulong Marcos sa isang non-ASEAN country maging ang kauna-unahang pagbisita sa bansa ngayong naging pangulo na ito.