BINIGYAN-diin ngayong araw ni Ka Eric sa programang Laban Kasama ang Bayan ang laki ng tulong na sana’y magagawa ni former President Rodrigo Roa Duterte.
Ito ay matapos maglabas ng pahayag si PRRD na handa ang kaniyang partido na tumulong sa kasalukuyang administrasyon kung gusto nito mapagtagumpayan ang laban sa mga isyung kinakaharap ng bansa.
Dahil dito lubos na pinuri ni Ka Eric ang mga pahayag ni PRRD na sana’y magsilbing inspirasyon para sa kasalukuyang Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Sa huli ay nagbigay ng pahayag si Ka Eric na ang taumbayan din ang siyang magbibigay ng boses para sa nararapat na gawin ng Pangulo.