Epanaw Party-list, nagpahayag ng pagsuporta kay Dr. Lorraine Badoy kontra insurhensiya

Epanaw Party-list, nagpahayag ng pagsuporta kay Dr. Lorraine Badoy kontra insurhensiya

SUPORTADO ng IPEACE Epanaw Party-list ang dating NTF-ELCAC spokesperson na si Usec Lorraine Badoy.

Matatandaan na bago lamang naglabas ng pahayag ang Korte Suprema kay Badoy dahil sa kaniyang pahayag na umano’y banta sa husgado ng Manila RTC Branch 19 na kinansela ang proscription case ng CPP-NPA-NDF.

Liban sa naturang husgado, matinding laban din ang kaniyang isinusulong sa karapatan ng pamayanang katutubo, bagay para makiisa ang IPEACE Epanaw sa laban, kontra CPP-NPA-NDF.

Ayon sa nabanggit na party-list, ang kanilang mga daing ay naipapahatid mula sa boses ni Dr. Lorraine Badoy.

Dagdag pa ng naturang party-list ay hayaang pakinggan ng sambayanang Pilipino ang boses ng mga tunay na biktima sa pamamagitan ni Badoy na binigyang-diin ang pagpatay ng communist terrorist groups (CTGs) sa mahigit na 2,000 IP leaders sa bansa.

 

Follow SMNI News on Twitter