PBBM, hangad itaguyod ang kapaki-pakinabang komunidad sa pamamagitan ng housing program

PBBM, hangad itaguyod ang kapaki-pakinabang komunidad sa pamamagitan ng housing program

IPINALIWANAG ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang hangaring itaguyod ang pagbuo ng malusog at kapaki-pakinabang na mga komunidad sa pamamagitan ng programang Pambansang Pabahay.

Nabanggit ito ni Pangulong Marcos sa pulong kasama ang mga negosyante ng Cambodia nitong Huwebes.

Naibahagi ni Pangulong Marcos Jr. sa nasabing meeting ang patungkol sa agresibong programa sa pabahay ng kanyang administrasyon sa pamamagitan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na naglalayong tugunan ang housing backlog sa bansa.

Sinabi ng Punong Ehekutibo na ang Pilipinas ay kasalukuyang nahaharap sa kakulangan sa pabahay na humigit-kumulang 6 na milyong mga yunit.

Kaya naman isinusulong ng kasalukuyang pamahalaan ang patuloy na implementasyon ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino: Zero ISF 2028 Program.

Layon ng programa na magtayo ng isang milyong yunit ng pabahay kada taon o kabuuang 6 million housing units sa loob ng anim na taong termino ng administrasyong Marcos.

 

Follow SMNI News on Twitter