PBBM, inaprubahan ang panukalang ₱5.768-T 2024 National Budget—DBM

PBBM, inaprubahan ang panukalang ₱5.768-T 2024 National Budget—DBM

INAPRUBAHAN na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang ipinanukalang P5.768-T na national budget para sa 2024.

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), aabot sa 9.5% ang itinaas nito mula sa P5.268-T budget noong 2023.

Sinabi na ni DBM Sec. Amenah Pangandaman, mananatiling nakatutok ang kanilang ahensiya sa mga proyektong saklaw ng 8-point socioeconomic agenda ng Marcos administration.

Maging ang objectives na nakasaad sa Philippine Development Plan 2023-2028.

Samantala, plano ng DBM na isumite sa Kongreso ang 2024 proposed national budget para mapag-aralan, ilang linggo pagkatapos ng pangalawang State of the Nation Address ni Pangulong Marcos ngayong Hulyo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter