PBBM, ipinagdasal ang mabilis at ganap na paggaling ni King Charles mula sa kanser

PBBM, ipinagdasal ang mabilis at ganap na paggaling ni King Charles mula sa kanser

IPINAHAYAG ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pakikiisa ng Pilipinas sa United Kingdom (UK) sa pagdarasal para sa mabilis at ganap na paggaling ni King Charles III.

Ibinahagi ng Buckingham Palace na ang 75-taong gulang na monarko ay na-diagnose sa kanser.

Ang uri ng kanser, gayunpaman, ay hindi isiniwalat sa publiko.

Si King Charles ay kasalukuyang sumasailalim sa regular na paggamot at ipinagpaliban ang kaniyang mga pampublikong tungkulin.

Matatandaang kabilang si Pangulong Marcos sa mga naimbitahang dumalo sa koronasyon ni King Charles III noong Mayo ng nakaraang taon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble