PBBM, labis na ikinabahala ang mga karahasan sa Masbate dulot ng CTGs

PBBM, labis na ikinabahala ang mga karahasan sa Masbate dulot ng CTGs

LUBOS na ikinabahala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang mga insidente ng karahasan sa Masbate dulot ng salot na communist terrorists groups (CTGs).

Sa isang statement, sinabi ni Pangulong Marcos na nagdulot ang mga komunistang terorista ng trauma sa mga apektadong sibilyan na karaniwang mga bata sa paaralan at kanilang mga guro.

Dagdag pa ni Pangulong Marcos, nagpapahiwatig lamang ito na bagama’t nakagawa ang pamahalaan ng malaking pag-unlad sa paglaban sa mga CTG, ay dapat pa ring patuloy na maging mapagbantay.

Ito’y upang maiwasan sa hinaharap ang gayong mga murderous abuse na gawa ng CTGs.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter