PBBM, magbibigay ng amnestiya sa mga rebeldeng magbabalik loob sa gobyerno

PBBM, magbibigay ng amnestiya sa mga rebeldeng magbabalik loob sa gobyerno

MAGBIBIGAY ng amnestiya si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa mga rebeldeng magbabalik loob sa pamahalaan at humingi ng suporta sa Kongreso sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ngayong araw.

Aniya, ang mga armadong pakikibaka ng mga rebelde sa Pilipinas ay patungo na sa kapayapaan at kaunlaran.

Ito ay sa pamamagitan ng community development at livelihood programs, barangay development and Enhanced Comprehensive Local Integration Programs (E-CLIP) na nagbibigay solusyon sa kaguluhan ng bansa.

Ayon kay AFP spokesperson Col. Medel Aguilar as of July ay nasa 1,800 communist rebels ang mga armado.

Samantala, binigyang-diin naman ni Pangulong Marcos ang pag-unlad sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

 

Follow SMNI on Twitter