NAGKAROON ng remarkable growth ang Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Ito ang sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman, kaugnay sa mga reporma na ginawa ng Pangulo at ng kaniyang gabinete para sa pagpapaunlad ng ekonomiya at pamumuhay ng sambayanan.
Ayon kay Pangandaman, naging investment hub ang Pilipinas sa local at foreign business na siyang pinakamalaking achievement ng kasalukuyang administrasyon.
Dahil dito aniya, mas maraming Pilipino ang nabibigyan ng trabaho.
Binigyang-diin ni Pangandaman na determinado ang Marcos administration na gawing upper-middle-income country ang Pilipinas.