PBBM, nangakong pagaanin ang ‘government processes’ para mas maraming negosyo ang umunlad

PBBM, nangakong pagaanin ang ‘government processes’ para mas maraming negosyo ang umunlad

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nananatiling nakatuon ang gobyerno sa pag-streamline ng mga kasalukuyang proseso at gawin itong mas madali para mas maraming negosyo ang umunlad.

Ang pahayag ay kasabay ng pagkilala ni Pangulong Marcos sa kahalagahan ng Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) habang bumabawi ang bansa mula sa pandemya.

Hinikayat naman ni Pangulong Marcos ang lahat ng MSMEs sa bansa na gamitin ang kasalukuyang tulong pinansyal at pasilidad na ibinigay ng pamahalaan upang mapakinabangan ang kanilang potensyal na paglago.

Pinayuhan din ng Pangulo ang MSMEs na gamitin ang Information and Communications Technology (ICT) para sa digital transformation ng bansa.

Ito ay upang matiyak ang pagpapatuloy ng negosyo sa gitna ng COVID-19 pandemic at matugunan ang lumalaking pangangailangan ng mga negosyo at consumer.

 

Follow SMNI News on Twitter