NANGAKO si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na palalawakin ang medical at nursing programs ng bansa.
Ito’y para bigyan ng solusyon ang kakulangan ng health workers sa bansa dahil sa migration.
Tinutulungan ngayon ng pamahalaan ang mga nursing graduates na makapasa sa mga kanilang board exams para maging isang license nurse ang mapabilang sa mga health professionals sa bansa.
Ayon sa Department of Health (DOH) nasa 194,000 health professionals ang kailangan ng bansa dahil sa mababang suwedo, isa sa mga dahilan kung bakit pinili ng mga nurse na magtrabaho sa ibang bansa.
Nangako naman ang Punong Ehekutibo na tutukan ng pamahalaan na mabigyan ang mga Pilipino ng malusog na komunidad.