NANINIWALA si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na nailuklok niya sa puwesto ang mga magagaling na tao sa kaniyang gabinete ngayong taon.
Sa isang panayam kay Pangulong Marcos noong Disyembre 18, sinabi nito na ang pagluklok sa mga magagaling na tao sa kaniyang gabinete ngayong 2023 ay kasama sa mga importanteng nagawa niya bilang Pangulo.
Ngayon ay magpapatuloy lang aniya ang Pilipinas sa pagtahak sa tamang direksiyon.
Aasahan din aniya na mararamdaman na sa 2024 ang epekto ng mga ginagawang pagbabago ngayong taon sa larangan ng fiscal policy, monetary policy at spending policy.