PBBM, nasa Czech Republic na para sa 4-day state visit

PBBM, nasa Czech Republic na para sa 4-day state visit

DUMATING si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Vaclav Havel International Airport nitong Miyerkules ng hapon (local time) para sa apat na araw na state visit sa Czech Republic.

Lumapag sa nasabing paliparan ang eroplanong sinakyan nina Pangulong Marcos at First Lady Louise Araneta-Marcos 5:43 pm local time (12:43 am Manila time) kasama ang mga miyembro ng delegasyon ng Pilipinas.

Inaasahang makikipagpulong si Pangulong Marcos kay Czech Republic President Petr Pavel.

Makikipagpulong din ang Pangulo sa tatlo pang constitutional heads of government gaya ni Czech Republic Prime Minister Petr Fiala, at ang mga pinuno ng Czech Parliament, Senate President Miloš Vystrčil at ang Speaker ng Chamber of Deputies Markéta Pekarová Adamová.

Inaasahang lalagdaan din ang isang Joint Communiqué sa pagtatatag ng labor consultation mechanisms, na naglalayong itaas ang kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Czech Republic.

Ito ay para sa ligtas at maayos na pandarayuhan o migration ng mga manggagawang Pilipino at magbigay ng mas mataas na antas ng proteksiyon sa kanilang mga karapatan at kapakanan.

Gugunitain ng Pilipinas at Czech Republic ang ika-50 bilateral na ugnayan nito mula nang itatag ito noong Oktubre 5, 1973.

Mababatid na sunud-sunod din ang naging paglalabay sa ibang bansa ni Marcos kamakailan.

Bago ang biyaheng ito sa Germany at Czech Republic, ay galing si PBBM sa Melbourne, Australia para dumalo sa ASEAN-Australia Special Summit noong Marso 4-6.

Noong Pebrero 28-29 naman ay sa Canberra Australia ang kaniyang naging biyahe.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble