PARA kay Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. (PBBM) wala na itong nakikitang tamang panahon upang mamuhunan sa Pilipinas ang mga investors mula sa Estados Unidos kundi ngayon.
Binigyang-diin ng Pangulo sa ginanap na economic briefing sa New York, hinog na ang Pilipinas upang paglagakan ng puhunan.
“It is our belief that the Philippines is the smart investment choice and the best time to do business with us is now. We have grand opportunities, the timing, the window of opportunities for investment and especially in capital intensive investments in the Philippines which is what we need now. We believe the time is now,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Kumpiyansa si PBBM na malaki ang maitutulong ng mga reporma ng pamahalaan upang hindi mahirapan ang mga nais mamuhunan sa Pilipinas.
“With the Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act or what we refer to as CREATE and the economic liberalization measures, we have expanded the space for foreign investments in previously protected sectors, especially those that employ advanced technologies and research and development activities,” ayon kay Pangulong Marcos.
Ayon sa economic managers ng Pangulo, ilang mga American businesses din ang nagpahayag ng kanilang interes na magbukas ng negosyo sa Pilipinas.
Ilan dito ay ang mga negosyong may kinalaman sa renewable energy, business, I.T.- process outsourcing, agriculture, food processing at manufacturing.
Ang ilan naman ay matagal nang nagnenegosyo sa Pilipinas at nagpahayag na nais nilang palawakin pa ang kanilang pamumuhunan.
“There are those that have already existing operations in the Philippines. And given the more favorable investment climate in the Philippines, they are now eager to expand their operation so they’ll invest some more. Example is Philip Morris you know that will invest in a new factory. With an amount of in US dollars around 160 million dollars,” ayon sa Pangulo.
Ang ilan naman sa mga negosyante sa Estados Unidos ay naghahanap naman ng posible nilang maging kasosyo sa Pilipinas.
Kaya naman nandito sa Amerika ang ilan sa mga malalaking negosyante mula sa Pilipinas kabilang na ang Sy, Aboitiz, Gokongwei, at Ayala Zobel.
Kumpiyansa naman ang Palasyo na abot-kamay na ng Pilipinas ang karagdagang mga investor na magbibigay ng trabaho para sa mga Pilipino.
Ito’y dahil na rin sa nagugustuhan na ng mga negosyante sa Amerika ang lagay ng pagnenegosyo sa Pilipinas.
“Sa ngayon, very optimistic tayo kasi pati ‘yung mga taong kausap ng ating Pangulo optimistic din sila. Gusto nilang mag-invest kasi nandiyan na ‘yung fundamentals natin. Naayos natin ang tax system, maganda ‘yung ekonomiya, masipag ang mga tao, and the system is ripe now for more investment. So iyon ang nakikita natin. Right now, there is an air of optimism and we are hoping that it can be delivering kumbaga as soon as possible,” pahayag ni Sec. Trixie Cruz-Angeles, Press Secretary.
Ilan sa mga malalaking kompanya na nakausap ni Pangulong Marcos at ng kaniyang economic managers ay ang NuScale Power, WasteFuel, Boeing, Cargill Inc, Philip Moriss, Concentrix, Sutherland, at Procter and Gamble.
Nagkaroon din ng pagpupulong si Pangulong Marcos sa US-Philippines society, New York Stock Exchange, US Chamber of Commerce, at US-Asean Business Council.
Ngayong Biyernes ang huling araw ni Pangulong Marcos sa New York kung saan may mga nakalinya pa itong meetings sa ilang mga business leaders sa Amerika.