PALAGING bukas si President Ferdinand R. Marcos, Jr. na makipag-usap kay dating Pangulong Rodrigo R. Duterte.
Ito ang inihayag ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil matapos magpahayag sa isang presscon sa Davao City si dating Pangulong Duterte na gusto niyang makausap si Pangulong Marcos hinggil sa isyu sa SMNI.
Matatandaan na sinuspinde ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang programa ni dating Pangulong Duterte sa SMNI na ‘Gikan sa Masa, Para sa Masa’ habang sinuspinde naman ng NTC ang operasyon ng network sa loob ng 30 araw.