PINAMAMADALI na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Transportation (DOTr) ang kasundunan sa maintenance provider na Sumitomo-Thales na inaasahang magpapabuti sa aviation safety system ng Pilipinas.
Sa press briefing, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na nakipagpulong siya sa Pangulo para magbigay ng update ukol sa nangyaring system glitch sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Enero 1.
Ayon kay Bautista, nagbigay ang kanyang team ng mga rekomendasyon kung paano magmo-move forward ang bansa.
Una nang nilinaw ng Pangulo na walang plano ang kanyang administrasyon na isapribado ang operasyon ng NAIA.