PBBM, pinalawak ang benefits ng PhilHealth members

PBBM, pinalawak ang benefits ng PhilHealth members

INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na palawakin pa ang coverage sa mga miyembro nito.

Sa pakikipagpulong ng Pangulo kay PhilHealth acting President at CEO Emmanuel Ledesma Jr., sa Malakanyang, sinabi nito na mula sa 90, dapat nang gawin sa 156 sessions ang hemodialysis coverage kaya’t ang dialysis support ay 3 beses kada linggo sa mga outpatients.

Kasama rin sa short-term plan ngayon ng PhilHealth ang paglalatag ng mobile app at short message service (SMS) confirmations, pati na ang implementasyon ng bagong benefit packages.

Sa bagong benefit packages kabilang ang outpatient mental health benefit package, outpatient package for severe acute malnutrition para sa mga batang edad 5-taong gulang pababa at pagpapalakas sa ‘Konsulta Package’.

Samantala, balak din ng PhilHealth na i-rationalize ang COVID-19 in-patient packages, reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) at rapid antigen tests pati na ang isolation packages.

Dagdag pa nito balak din ng PhilHealth na pagmultahin ang mga pasaway na doktor sa halip na bawiin ang kanilang binayarang accreditation.

Para sa mid-term plan na ipatutupad sa 2024, bibigyan ng PhilHealth ng general amnesty ang mga employers at government agencies na hindi nakabayad ng premium payments kung saan saklaw nito ang mga businesses, employers at individuals lalo na ang small at medium enterprises na hindi kayang bayaran ang 3 percent interest sa mga hindi nabayarang premium payments.

Follow SMNI NEWS in Twitter