PBBM, pinamomonitor ang mga lugar na apektado ng matinding pag-ulan at pagbaha

PBBM, pinamomonitor ang mga lugar na apektado ng matinding pag-ulan at pagbaha

NAGBIGAY ng direktiba si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kaugnay ng epekto ng sama ng panahon sa matinding pag-ulan at pagbaha sa ilang probinsya sa bansa.

Iniatas din ng Punong Ehekutibo ang pag-abot ng mga tulong sa apektadong local government units at kanilang mga nasasakupan.

Nitong Miyerkules, binisita at namahagi ng tulong si Pangulong Marcos sa Misamis Occidental at Misamis Oriental.

PBBM, nag-aerial inspection sa mga lugar na sinalanta ng matinding pagbaha sa Misamis Oriental

Kaugnay rito, nagsagawa ang Pangulo ng aerial inspection sa mga lugar na naapektuhan ng malakas na mga pag-ulan na dala ng shear line sa Misamis Oriental.

Nais ni Pangulong Marcos na matanaw mismo ang pinsalang dulot ng matinding pag-ulan kamakailan.

Base sa tala, umaabot sa 18,000 na pamilya sa Misamis Oriental ang apektado ng mga pag-ulan dulot ng shear line.

P5-M pondo, gagamitin sa relief operations sa Zamboanga Peninsula at Basilan Province

Samantala, inihanda na ng pamahalaan, sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang Php 5 milyon na pondo.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ang naturang funds ay gagamitin sa relief operations sa mga naapektuhan ng malakas na pag-ulan at pagbaha dulot ng low pressure area sa Zamboanga Peninsula at Basilan Province.

Naibigay na rin sa mga lokal na pamahalaan ang 11,000 na family food packs at 2,086 na non-food items na magagamit sa mga evacuation center.

Nasa halos Php 28.4 milyon na halaga ng relief goods ang naka-standby na rin sa mga warehouse ng DSWD sa mga apektadong probinsya.

Nagpapatuloy ang mga serye ng pagpupulong at koordinasyon ng national at local government para sa agarang aksyon sa mga apektadong lugar.

Follow SMNI NEWS in Twitter