PBBM sa PCA: Pabilisin ang coconut industry modernization at paunlarin ang coconut farmers

PBBM sa PCA: Pabilisin ang coconut industry modernization at paunlarin ang coconut farmers

INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang Philippine Coconut Authority (PCA) na paigtingin ang pagpatutupad ng development plan para sa modernisasyon ng industriya at mamuhunan sa mga bagong teknolohiya upang matiyak ang katatagan ng sektor ng niyog.

 “So, let us double our efforts to tackle these issues and invest in technologies and initiatives that will not only safeguard but also ensure the resilience of the coconut sector of our agriculture,” pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Sa kaniyang talumpati sa pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng PCA, sinabi ng Pangulo na dapat paigtingin ng PCA ang implementasyon ng Coconut Farmers and Industry Development Plan.

Ito’y upang mapabilis ang modernisasyon ng industriya ng niyog at mapabuti ang buhay ng

coconut farmers at kanilang mga pamilya.

Inihayag ni Pangulong Marcos na dapat ding kilalanin ng ahensiya ang mga hamon na naghihintay sa industriya ng niyog tulad ng pagbabago ng klima, peste, at sakit na nananatiling malaking banta sa mga puno ng niyog, kaya nalalagay sa panganib ang kinabukasan ng agrikultura.

“Often referred to as the ‘tree of life’ or in my part of the country it’s referred to as the ‘miracle nut’, the coconut is deeply ingrained in the cultural fabric of our society. It has become an integral part of our national identity. Thus, it is important that we continue to develop and improve these products so that we can find new uses and expand its distribution to new markets,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Samantala, hinikayat naman ng Pangulo ang PCA na patuloy na i-angat ang buhay ng mga magniniyog at palayain sila sa kahirapan.

“I thus encourage the PCA to continue to uplift [the] lives of our coconut farmers and empower them to improve their conditions, break free from the chains of poverty, and dream bigger for themselves and for their loved ones,” ayon kay Pangulong Marcos.

PBBM, pinangunahan ang ceremonial coconut tree-planting kasabay ng 50th anniversary ng PCA

Nitong Huwebes, Hunyo 29, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang ceremonial coconut tree-planting sa Coconut Palace sa CCP Complex, Pasay City.

Kasama ni Pangulong Marcos sina Sen. Cynthia Villar, Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Conrado Estrella III, at PCA Administrator Bernie Cruz.

Ang aktibidad ay kasabay ng pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng Philippine Coconut Authority, na nilikha sa ilalim ng yumaong ama ni Pangulong Marcos na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, Sr.

Ani Pangulong Marcos, ang okasyon ay bilang pagkilala sa mga dedikado at masisipag na magsasaka ng niyog na walang sawang nagsusumikap para mapalakas ang coconut industry.

Ang PCA ay nilikha noong Hunyo 30, 1973 sa pamamagitan ng Presidential Decree (PD) No. 232, s. 1973, upang isulong ang pinabilis na paglago ng industriya ng niyog at palm oil.

Nakatuon ang anibersaryo ng pagkakatatag ngayong taon sa temang; “PCA@50: Honoring the Past, Embracing the Future of the Philippine Coconut Industry”.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter