TINANGGAP na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang imbitasyon ni French President Emmanuel Macron para sa isang state visit.
Ito ang inihayag ni French Ambassador to the Philippines Michèle Boccoz sa press conference ngayong araw.
Ayon kay Boccoz, planong gawin ang state visit sa unang bahagi ng taon.
Magkakaroon naman aniya ng pulong ang mga opisyal ng Pilipinas at France sa Marso 8 sa Paris para talakayin ang arrangement at iba pang usapin ukol sa planong state visit.
Sinabi ng French Ambassador na kabilang sa maaring talakayin sa state visit ang maritime at security sectors maging ang food at energy security.
Ito ang unang state visit ng isang Filipino president sa France simula 1989.