NAG-courtesy visit kay Pastor Apollo C. Quiboloy si dating Chief Legal Counsel at SMNI Anchor Atty. Salvador Panelo sa Prayer Mountain sa Tamayong, Davao City nitong Biyernes ng hapon.
Ayon kay Atty. Panelo, naging malaman ang pag-uusap nila ni Pastor Apollo hinggil sa iba’t ibang isyu na kinakaharap ng bansa.
Matapos ang malalim na talakayan, ipinamalas naman ng butihing Pastor ang kaniyang angking galing sa pag-gogolf sa isang golf course sa Davao City.
Samantala, hindi naman pinalagpas ni Pastor Apollo ang pagkakataon na maikot si Atty. Panelo sa Glory Mountain na ilang kilometro lamang ang layo mula sa Prayer Mountain.
Hindi naman maitago ni Atty. Panelo ang kaniyang pagkamangha sa nasabing lugar na aniya ay mala-Paraiso ang ganda.
