PBBM, titiyakin ang buffer stock ng bigas sa bansa

PBBM, titiyakin ang buffer stock ng bigas sa bansa

NANGAKO si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na sisiguruhin niya ang buffer stock ng bigas sa bansa.

Ito ay habang tinutugunan ng kaniyang administrasyon ang suplay at presyo ng bigas sa gitna ng “buying spree” ng Asian neighbors.

Ang hakbang ay bilang tugon na rin sa nagbabantang El Niño phenomenon at iba pang pandaigdigang kaganapan.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag habang pinangunahan niya ang pamamahagi sa Zamboanga City ng humigit-kumulang 1,500 sako ng premium quality rice sa iba’t ibang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Kasabay rito, tiniyak ng Pangulo sa mga mamamayan ng Zamboanga na ginagawa ng gobyerno ang lahat para matiyak ang kanilang kapakanan at upang mabuksan pa ang mga oportunidad para sa mga ito.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble