PBBM, tiwala na makakamit ang self-sufficiency sa bigas sa loob ng 2 taon

PBBM, tiwala na makakamit ang self-sufficiency sa bigas sa loob ng 2 taon

TIWALA si Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. na makakamit ng bansa ang self-sufficiency sa bigas sa loob ng dalawang taon.

Ito ay kung maisasakatuparan ng gobyerno ang major reorganization na involve ang iba’t ibang ahensya.

Nagkaroon ng pulong si Pangulong Marcos sa Malakanyang nitong Miyerkules sa ilang opisyal ng ahensiya kung saan isa sa agenda ang patungkol sa usaping pang-agrikultura.

Ginawa ng Pangulo ang komento kasunod ng pulong sa Malacañang kasama ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) at National Irrigation Administration (NIA).

Kabilang din sa natalakay sa meeting ang estado ng sistema ng patubig sa bansa.

 “From that discussion, we have begun to put in the timetable of what are the things that we need to do. And sa aming calculation, kung magawa natin lahat ng kailangang gawin kasi marami tayong kailangan ayusin, marami tayong ire-reorganize — pero kung magawa natin lahat ‘yan, we will be close to self-sufficiency for rice in two years,” saad ni Pangulong Marcos.

Sinabi ng Pangulo na nangangailangan ito ng kooperasyon, koordinasyon at convergence sa iba pang ahensya tulad ng DA, NIA, Department of Public Works and Highways (DPWH), at National Economic and Development Authority (NEDA).

“So our next meeting will be that. Nandiyan na lahat ng mga concerned agencies and we will present the timetable as to what needs to be done, what forms of coordination need to be done,” dagdag ng Pangulo.

Ang programang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ay nilikha sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 11203 o ang Rice Tariffication Law upang mapabuti ang competitiveness ng mga magsasaka sa gitna ng liberalisasyon ng rice trade policy.

Upang umakma sa RCEF, ang gobyerno ay nagpapatupad ng mga estratehiya upang mapataas ang produksyon ng palay.

Ito’y tulad na lamang ng pagkumbinsi sa mga irrigators association (IA) at mga magsasaka na magtanim ng hybrid rice seeds, i-adopt ang alternate wetting at drying bilang water-saving technology para sa mga irigasyon at pag-aani.

Ang NIA ay nagpapatupad ng ilang mga hakbang upang mapaunlad ang imprastraktura ng patubig sa Pilipinas.

Kabilang sa mga estratehiya ng NIA ang public-private partnerships (PPPs) sa pagpapaunlad ng imprastraktura ng irigasyon, climate-proof infrastructure, flood control management, at massive reforestation ng NIA-supervised watershed areas.

PBBM, inilarawan bilang ‘encouraging’ ang nakuhang very good satisfaction rating sa isang survey

Samantala, inilarawan ni Pangulong Marcos bilang “encouraging” o nagpapalakas ng loob ang resulta ng pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS).

Base sa SWS survey, tatlo sa apat na nasa hustong gulang na Pilipino ang nasiyahan sa performance ni Pangulong Marcos.

Sa SWS survey, lumabas na 75 porsiyento ng mga nasa hustong gulang na Pilipino ang nasiyahan sa performance ni Pangulong Marcos, habang 7 porsiyento ang hindi nasisiyahan at 18 porsiyento naman ang undecided.

Ang SWS poll ay ginawa sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adults sa buong bansa, tig-300 mula sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.

Isinagawa ang naturang survey noong nakaraang Disyembre 10-14, ng 2022.

Follow SMNI NEWS in Twitter