PCG, magtatayo ng typhoon response facility sa Marikina

PCG, magtatayo ng typhoon response facility sa Marikina

MAGTATAYO ang Philippine Coast Guard (PCG) ng typhoon response facility sa Marikina.

Ito’y kasunod ng ginawang pagbisita ni Coast Guard District – National Capital Region (NCR)-Central Luzon Commander, CG Rear Admiral Hostillo Arturo Cornelio kay Marikina Mayor Marcelino Teodoro para pag-usapan ang naturang proyekto.

Ayon kay Cornelio, nagkakahalaga ang proyekto ng P50-M na magmumula sa Department of Public Works and Highways-United Project Management Office-Flood Control Management Cluster (DPWH-UPMO-CMC).

Kasabay rito ang pangako sa lungsod na magiging katuwang ang PCG K9 Team NCR sa pagsisiguro ng kaligtasan ng mamamayan tuwing may mahahalagang aktibidad.

Asahan din ang mas mabilis na pag-responde ng PCG sa Marikina tuwing may sama ng panahon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter