HINDI hihingin ng Commission on Elections (COMELEC) nang isang bagsak ang magiging pondo para sa automated elections na ipatutupad sa 2025.
Ito ang sinabi ni COMELEC spokesperson Atty. Rex Laudiangco sa panayam ng SMNI News.
Ani Laudiangco, sa ngayon ay hindi pa nila natitiyak kung magkano ang ilalaan na pondo para sa automated elections.
Binigyang-diin ng COMELEC na kanilang isusulong ang automated elections dahil hindi na maaaring gamitin muli ang vote counting machines (VCMs).
Ipinunto ni Laudiangco na napakataas ng failure rate ng mga VCM.