NANATILI pa rin sa kanyang pwesto si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Wilkins M. Villanueva, at ang kanyang dalawang Asec na nakaupo bilang director general for administration, director general for operation na pawang mga na-appoint ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Sa eksklusibong panayam ng Sonshine News kay DG Villanueva, sinabi nito na walang nagpaparamdam sa PDEA kung sino ang itatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Villanueva, hangga’t wala pa siyang natatanggap na order mula sa Malacañang, ay tuloy-tuloy pa rin ang kanilang trabaho at pagtugis sa sindikato ng droga at mga bulok sa lipunan.
Matatandaan kahapon ay nakaaresto ng 2 Chinese national ang PDEA sa magkakahiwalay na lugar Quezon City, at Cavite, at nagresulta ng pagkakakumpiska ng 1.768 bilyong pisong halaga ng shabu.