PDP-Laban, kinondena ang ginawang pagmamalabis ng awtoridad sa paglusob sa KOJC compounds

PDP-Laban, kinondena ang ginawang pagmamalabis ng awtoridad sa paglusob sa KOJC compounds

SANG-ayon ang Partido Demokratiko Pilipino (PDP-Laban) sa pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na “overkill” ang naging paglusob ng daan-daang police personnel at elite force sa KOJC compounds nitong Lunes, Hunyo 10.

Sa kanilang pahayag nitong Martes, binigyang diin ng partido ang nakakabahalang tugon ng administrasyon sa hustisya at pagprotekta sa mga karapatan.

Gaya ng sinabi ni FPRRD, paano na lang anila mapatunayan ng Marcos admin ang pangakong pagprotekta sa karapatang pantao kung may ganitong lantarang pang-aabuso.

Dahil dito, hinikayat ng PDP-Laban na upang maisakatuparan ang hustisya nang walang kinikilingan at may katapatan, dapat papanagutin ang mga lider at opisyal ng pamahalaan hinggil sa tamang pagpapatupad ng batas.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter