ISINAGAWA ang isang motorcade ng PDP-Laban sa Metro Manila, kasama ang mga kandidato sa pagkasenador na sumusuporta sa Duterte leadership.
Sinimulan ang motorcade sa lungsod ng Navotas bago ito nag-ikot sa Malabon.
Kasama sa motorcade ang mga volunteer ng Pastor Apollo C. Quiboloy for Senator Movement at iba pang senador, kabilang sina Senador Bong Go, Atty. Jimmy Bondoc, Atty. Raul Lambino, at Philip Salvador.
Kasama rin sa convoy ang grupo nina Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, Atty. Jayvee Hinlo, at Atty. Vic Rodriguez.
Ipinahayag ng mga residente na kanilang nadaanan ang patuloy na suporta sa Duterte leadership, sabay sigaw ng “Duterte pa rin!” at pangakong boboto sila nang tuwid para sa PDP-Laban Senatorial Candidates.