SINIMULAN na ang Peaceful Prayer Rally ng Davawenyos na ginanap sa San Pedro Square, Davao City simula 6:00 ng gabi, Enero 28, 2024.
Ito’y bilang pagtutol laban sa isinusulong na People’s Initiative.
Kabilang sa mga dumalo sa nasabing aktibidad ang iba’t ibang sektor ng Davao at mga taga-suporta ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.