BINUKSAN na sa publiko ang pedestrian footbridge na patungo sa dagdag na bus carousel station sa EDSA- Buendia sa Makati.
Pinangunahan ang pagbubukas ng nasabing pedestrian footbridge ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng Department of Transportation (DOTr).
Dahil dito ay maaari nang daanan ng publiko ang bagong bukas na pedestrian footbridge na patungo sa karagdagang EDSA bus carousel station sa Buendia sa Makati.
Maaari itong ma-access ng publiko mula sa Makati Avenue o sa Southbound exit ng MRT Buendia Station.
Ayon kay Transportation Asec. Eymard Eje, malaking tulong ito para sa mga sumasakay ng bus at ng MRT-3.
Paliwanag ni Eje na imbes na tumawid ng kalsada upang makapunta sa bus carousel o sa MRT-3, ngayon ay pwede nang magamit ang footbridge.
Paliwanag naman ni MMDA Chairman Benhur Abalos makatutulong din ang dagdag na bus carousel station upang maiwasan ang pagbubuhol ng trapiko sa northound at southbound lane ng naturang highway.
Dahil dito ay dirediretso na ang biyahe ng mga bus.
Bahagi ito ani Abalos ng kanilang programa na mapabuti ang mass transport system lalo na ngayon na papalapit na ang holiday season at wala na ring curfew hours.
BASAHIN: Ceremonial switch on ng traffic light sa Dario Bridge sa Quezon City, pinangunahan ng MMDA