Pelikulang Deleter ni Nadine Lustre, nanalo ng Best Scare Award sa 15th Grimmfest sa England

Pelikulang Deleter ni Nadine Lustre, nanalo ng Best Scare Award sa 15th Grimmfest sa England

PANALO ang techno-horror movie na Deleter na pinagbibidahan ni Nadine Lustre sa 15th Grimmfest sa Manchester, England.

Natanggap ng Deleter ni Mikhail Red ang Best Scare Award sa naturang independent genre film festival.

Ang Deleter ay kuwento ng isang online content moderator na minulto ng isa niyang katrabaho na gumawa ng suicide video.

Matatandaan na ang top grosser sa 48th Metro Manila Film Festival noong nakaraang taon ay ang Deleter  kung saan itinanghal din bilang Best Actress si Nadine.

Kalaban ng Deleter ang mga horror films mula sa iba-ibang bansa tulad ng Britain, Japan, Spain, Austria, France, at iba pa.

Follow SMNI NEWS on Twitter