MAGIGING tampok ang pelikulang Sunshine ni Maris Racal sa dalawang international film festivals.
Sa anunsiyo, magkakaroon ito ng screening sa Taipei Film Festival at New York Asian Film Festival—partikular na sa Hunyo 21, 23, at 28 sa Taiwan
Nauna na itong nagkaroon ng screening sa Palm Springs International Film Festival sa California, USA noong Abril.
Nanalo na rin ito ng Crystal Bear for Best Film sa 75th Berlin International Film Festival.
Ang kuwento ng Sunshine, na pinagbidahan ni Maris, ay nakasentro sa isang batang gymnast na nabuntis sa mismong linggo ng national team tryouts.