People’s Caravan bilang suporta kay VP Sara Duterte dinagsa ng mga Sugbuanon

People’s Caravan bilang suporta kay VP Sara Duterte dinagsa ng mga Sugbuanon

ALAS singko ng madaling araw nitong Pebrero 16 ay nag-umpisa nang magsidatingan ang mga Duterte Supporters sa iba’t ibang designated pickup points sa Mandaue City para sa People’s Caravan, bilang pagtutol sa pagpapa-impeach kay Bise Presidente Inday Sara Duterte.

“We are having a Cebu People’s Caravan although ang Hakbang ng Maisug Cebu Core Team are the one somehow taking an active participation, we can call this a true People’s Caravan dahil this came about not through the promptings or the urgings of any political force pero talaga sa mga GC GC lang ng mga Duterte Supporters and those na nadismaya dahil doon sa fastracking ng impeachment complaint na kung ano-ano lang excuse na naririnig natin from congressmen who are supposed to be learned and dapat sila ‘yong may alam sa batas. They cannot just say noh na we have no choice,” saad ni Atty. Irene Caballes, Core Group Member, Hakbang ng Maisug Cebu.

Sa mga tarpuling ikinabit sa bawat sasakyan, nais iparating ng mga Sugbuanon ang kanilang hinagpis sa mga salitang: NO TO SILENT MARTIAL LAW, GOD SAVE THE PHILIPPINES, WE SUPPORT THE BRAVE 38 DDS VLOGGERS at WE ARE NOT FILIPINOS FOR NOTHING!

Lahat ng mga linyang ito, nagsilabasan sa social media dahil umano sa matinding pang-gigipit ng Marcos administration sa mga Duterte at kaalyado nito.

Matatandaang noong nakaraang eleksiyon, mula sa halos 3 milyong bumoto sa Cebu o 86.7% turned out votes, nasa 1.8 million votes ang nakuha ni VP Sara mula sa mga Sugbuanon, na siyang pinakamataas sa lahat ng tumakbong national candidate noon.

Nais iparating ng mga Sugbuanon na nakiisa sa People’s Caravan na tila nakalimot si Bongbong Marcos, na kaya siya ibinoto ng mga Pilipino ay dahil sa kaniyang ipinangakong, ipagpapatuloy ang nasimulan ng Duterte administration. Subalit, kabaliktaran ang kaniyang ginagawa.

Ang dating niligawang si Inday Sara Duterte sa panahon ng eleksiyon, ay siya nang tinitira at ginigipit ngayon.

Kaya naman sa ikinasang People’s Caravan sa Cebu, na pinangunahan ng Core Group ng Hakbang ng Maisug, nagsilabasan na ang mga supporters ng bise presidente na nakamasid lamang sa mga kaganapan ngayon sa bansa.

Tulad na lamang ni Atty. Makdo Castañares na mula pa sa Bohol, ay nagtungo sa Cebu upang makiisa sa sigaw ng mga Sugbuanon na protektahan si VP Sara Duterte.

“I’m joining the People’s Caravan for a change particularly organized by Maisug Cebu in order to make our voices be heard kay sa pagka karon we’re looking at the impeachment of VP Sara Inday Duterte. I believe we need to make a stand and we need to protect VP Inday Sara Duterte from the impeachment of the House of Representatives. I also believe that impeachment process has been railroaded,” ayon kay Atty. Makdo Castañares, Duterte Supporter, Bohol.

Si Nanay Juanita naman na taga Lapu-Lapu City, ay tila galit na sa mga pangyayari ngayon sa bansa.

“Mula po sa puso ang aming pagsali sa caravan na ito para suportahan si VP Sara, No to Impeachment! Sa pagkakataong ito, nagkakaisa ang buong Cebu mula Lapu-Lapu, Mandaue, Cebu City at lahat ng probinsya ng Cebu sa pamamagitan lamang ng post sa social media na magkakaroon ng People’s Caravan dahil ang aming puso ay lubhang nasasaktan sa kanilang ginawa kay VP Sara. Kaya naman kami, sumuporta kaming lahat. Ako ay mula sa Kalawisan, Lapu-Lapu City, Cebu. Sumali po kami dito. Layunin namin, pagsusumikapan natin na hindi magtagumpay ang impeachment kay VP Sara Duterte, dahil hindi makatarungan ang kanilang ginawa sa aming mahal na VP,” wika ni Juanita Sumalinog Ortuoste, Duterte Supporter, Lapu Lapu City.

At ang chairman at founder ng libu-libong Duterte Riders sa buong bansa na si Moises, awang-awa na sa kalagayan ngayon ng Pilipinas.

“Sumali kami sa Caravan o People’s Caravan laban sa impeachment ni Inday Sara. Hindi pwedeng manahimik lang kami pagkatapos ng pamumuno ni Tatay Digong. Ngunit ngayon, hindi pwedeng hindi kami magsalita. Kawawa na ang Pilipinas, kawawa na ang ating bansa. Kaya hindi pwedeng hindi tayo magsalita sa ating adhikain na hindi dapat ma-impeach si Inday Sara. Ano ba ang ibig sabihin nila sa impeachment ni Inday Sara? Gusto nilang ma-impeach si Inday Sara para hindi na siya makatakbo sa 2028. Pero pagsusumikapan natin na hindi ma-impeach si Inday Sara dahil hangarin ng buong Pilipinas na Duterte ang mamuno sa 2028,” ani Moises Deiparine, Chairman/Founder, Duterte Riders Team Cebu Inc. (Nationwide).

Umabot sa 300 motorcycle riders at 200 private vehicles ang tumugon sa panawagang People’s Caravan na ipinost lang ng Maisug Cebu Core Group sa Social Media.

Alas 7:00 ng umaga nang umpisahang ikutin ng mga Duterte supporters ang rutang Mandaue City, Consolacion, Liloan pabalik ng Cebu City, Talisay City at nagtapos ito ala-una ng hapon sa Mandaue City.

Sa bawat madatnan na ordinaryong Sugbuanon, makikita sa kani-kanilang reaksiyon ang pakikiisa sa panawagang suportahan at protektahan si VP Inday Sara Duterte.

Kauna-unahan ang pagtatagpong ito ngayong taon, ng mga Duterte supporters sa Cebu. Tulad ng karamihan, iisa lang ang tono ng kanilang hiling sa taumbayan.

“Ang aming panawagan sa darating na eleksyon ay iboto ang PDP Laban Team Suka! Ibagsak ang kanilang Team BBM! Ibagsak ang Polvoronic! Team Suka tayo! Team Suka! Iyan ang dapat nating iboto upang maibalik ang sigla ng Pilipinas, mas ligtas ang ating mga kabataan, mas ligtas ang ating mga anak. Maglakad sa kalsada na wala nang panggagahasa, wala nang rape, wala nang hold-up, wala nang pang-aagaw ng mga cellphone, mga bag. Ibalik natin ang mga Duterte, dahil sila lang ang may kapangyarihan! Sila lang ang may tapang na gumawa niyan. Ang BBM na pamahalaan ay walang silbi. Walang kwenta!” dagdag ni Ortuoste.

 “Ang aking panawagan sa lahat ng Pilipino sa kaganapang ito, kailangan nating magsalita at manindigan upang protektahan si VP Inday Sara Duterte laban sa kanyang impeachment. Nakikita natin ang laganap na korapsyon kahit saan. Nakikita rin natin na ang proseso ng impeachment ni VP Sara ay mabilis at madaliang pinirmahan. Kaya’t hinihikayat natin ang karamihan na manindigan at magsalita. Kailangan din nating suportahan ang mga kandidato ni dating Pangulong Duterte upang maprotektahan si VP Inday Sara. Dahil kung mawawala si VP Inday Sara, ano na ang mangyayari sa atin? Si VP Inday Sara ang ating pag-asa. Kung walang balanse sa ating pamahalaan, patuloy lang nila itong gagawin. Kaya sumali ako sa People’s Caravan na inorganisa ng Maisug Cebu ngayong araw dahil gusto kong marinig ang aking tinig,” ayon kay Atty. Makdo Castañares, Duterte Supporter, Bohol.

“Obviously our law-makers had failed us. The executive branch of the government, I don’t know what they are doing. Crime is on the rise. Kung hindi natin iligtas ang ating bansa, sino ang gagawa nito? Babalik tayo sa madilim na panahon. Nahigitan na tayo ng ibang mga bansa. Parang tayo na lang ang maiiwan. Mayroon tayong mga anak, kung hindi para sa atin, para sa ating mga anak at apo na lang. Huwag nang isipin kung ano ang mangyayari sa atin, mas mabuti nang manatiling ligtas, mas mabuti nang manahimik. Kung patuloy tayong mananahimik, parang pumapayag na rin tayo na ang taong mahal natin sa buhay ay mawalan ng mga karapatan. Para na rin itong Martial Law ang naganap pero hindi nila idineklara dahil allergic sila sa term na Martial Law. At kapag nasabi na ay totoo, talagang mga diktador sila. Pero ganito na talaga ito. Hindi mo kailangan maging genius para masabi na Martial Law na talaga ito,” wika ni Atty. Irene Caballes, Core Group, Hakbang ng Maisug Cebu.

Nilinaw naman ng convenor ng Hakbang ng Maisug Cebu na si Jun Abines, na hindi ito ang unang Peoples’ Caravan, dahil tinitiyak niyang masusundan pa ito ng mas malaking pagtitipon ng sambayanang Pilipino.

“Ang Cebu People’s Caravan, very successful. Kung nakita ninyo kung gaano karami ang dumating, hindi pa iyon lahat. Marami pa ang naiwan dahil sa trapiko. Kaya ngayon nagkakaisa ang mga Cebuano, unang beses ito sa buong Pilipinas na pagsasagawa ng Caravan. Walang tamang organisasyon, tinawag itong People’s Caravan sa pamamagitan ng social media. Ngayon nakita ninyo na maraming Cebuano ang nagkakaisa handang magtiis sa init para ipahayag sa buong Pilipinas at sa buong mundo na kailangan na nating kumilos! Kailangan na nating magsagawa ng aksyon! Hindi na sapat ang mga salita. At kailangan nating magkaisa sa lansangan, kailangan nating gawin ito para pukawin ang natutulog na mga Pilipino. Lalo na ang ating mga pinagkakatiwalaang militar at mga pulis. Mga Maam! Mga Sir! Protektahan natin ang Pilipinas, dahil atin itong bansa, wala na tayong ibang bansa,” ayon kay Jun Abines, Convenor, Hakbang ng Maisug Cebu.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble