Permanenteng evacuation center, isinusulong sa Kamara

Permanenteng evacuation center, isinusulong sa Kamara

ISINUSULONG sa Kamara ang pagkakaroon ng permanenteng evacuation center.

Ayon kay ACT-CIS Cong. Jocelyn Tulfo, kailangan nang magkaroon ng pondo para dito dahil sa sunud-sunod na mga kalamidad.

Nagiging doble rin aniya ang papel ngayon ng mga paaralan dahil nagsisilbi itong evacuation area.

Inihalimbawa pa nito ngayon ang mga paaralan sa Albay na ginawang evacuation center dahil sa pag-aalboroto ng Bulkang Mayon.

Iminungkahi rin ng kongresista na ang gagawing permanenteng evacuation area ay masisilbing multi-purpose building kung walang kalamidad.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter